LA UNION – Aabot sa P1-milyon ang halaga ng mga itlog na nabasag dahil sa pagbaliktad ng wing van sa kahabaan ng Brgy. Calumbuyan, Balaoan, La Union nitong Martes ng umaga.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Cpl. Joseph Casem, investigator on case ng Balaoan Police, patungo umano ang wing van sa Vigan City, Ilocos Sur upang mag-deliver ng mga itlog nang mangyari ang aksidente.
Nag-overtake umano ang wing van na minaneho ng Christopher Lumibao, residente ng Capas, Tarlac sa isang sasakyan kung saan sa una rito ay biglang huminto ang isang tricycle na dahilan ng pagkawala nito ng kontrol sa manibela at pagbaliktad ng sasakyan.
Dahil dito, halos wala umanong natira sa mga itlog dahil sa nabasag ang mga ito.
Naging masikip naman ang takbo ng trapiko dahil sa pangyayari at sa pagkuha rin umano ng ilang residente sa mga puwede pang pakinabangan mga itlog.
Samantala, ligtas naman lahat ng sakay ng sasakyan liban lang sa gagas sa ilang bahagi ng katawan ng mga pahinante ng sasakyan.