CAGAYAN DE ORO CITY – Sinampahan na ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspected illegal drug pushers na unang arestado sa pinag-isang operasyon ng Drug Enforcement Group (DEG) at special operations unit ng PNP-BARMM sa Purok 7, Barangay East Kili-kili, Wao, Lanao del Sur.
Kinilala ni Lanao del Sur Provincial Police Office director Col. Rex Derilo ang mga suspek na sina Noel Bayot Abas, 45, na taga-bayan ng Kalilangan, Bukidnon at Aiman Mangandang Bantuas, 31, na mismo residente sa nabanggit na bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Derilo na naaresto ang mga salarin nang kumagat sa anti-drug buy bust operation ng tropa dahilan na nakumpiskahan ng nasa higit-kumulang 200 gramo ng suspected shabu na mayroong estimated street value na P1.3 million.
Narekober mula sa mga suspek ang iba pang suspected drug paraphernelia na bahagi sa gagamitin na basehan ng gobyerno kung uusad na ang kaso sa korte.
Ang pagkaaresto ng pulisya sa mga suspek ay ilan lamang sa mga malalaking matagumpay na anti-drugs operation sa Lanao del Sur mula nang pinaigting ng gobyerno ang kampanya kontra sa illegal na droga sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).