-- Advertisements --

DAVAO CITY – Aabot sa P1-milyon reward money ang ibibigay sa kung sino mang makapagtuturo o makapagbibigay impormasyon sa gunman na bumaril-patay sa 38 anyos na negosyanteng si Yvonne Plaza Chua.

Kung maalala, pinatay ang biktima ng hindi pa nakikilalang mga suspetsadong naka-motorsiklo sa labas mismo ng inuupahang bahay nito sa Buttercup St., Green Meadows Subdivision, Brgy. Sto. Tugbok District, Davao City, noong Disyembre 28, 2022.

Para sa mga may impormasyon, maaring kumontak sa hotline number ng Davao City Police Office sa 293-1177 o sa 0991-537-3782 .

Kung maalala, una nang bumuo ang kapulisan ng Special Investigation Group (SITG) na syang tututok sa imbestigasyon sa pagpatay sa biktima at sa gayun ay makamit ng pamilya Chua ang hustisya.