-- Advertisements --

P1-M REWARD INILABAS LABAN SA SUSPEK SA RAPE-MURDER CASE NA 28 ANYOS NA ARKITEK
Unread post by bombodavao » Mon May 22, 2023 1:10 pm

Naglabas na ng isang milyong piso na pabuya si Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong ” Duterte para sa sinumang makapagtuturo sa mga salarin sa pagpatay kay Architect Vlanche Marie Bragas na matatandaang natagpuan ang bangkay sa isang banana plantation sa Poblacion, Calinan, lungsod ng Davao, noong nakaraang linggo.

Ayon sa inilabas na pahayag ng kongresista, si Bragas ay isa lamang ordinaryong Dabawenyo na araw-araw na nagsusumikap at nakikipaglaban para sa kanyang sarili at sa pamilya.

Ipinagluksa din ng kongresista ang mapait na sinapit ni Bragas. Kaya minabuti nang maglabas ng isamg milyong pisong pabuya upang mabilis na maresolba ang naturang kaso.

Maatatandaang noong nakaraang linggo ay nailahad ng SITG Bragas na mayroon na silang lead sa mga responsable sa kamatayan sa 28 anyos na biktima, ayon na rin sa mga pahayag ng mga nakasaksi sa naturang krimen.

Iniutos na rin ang lahat ng station commanders sa ilalim ng Davao City Police Office na makipagtulungan sa Calinan Police Station sa pag-track down sa bao-bao nga sinakyan ng mga suspek sa naturang insidente.