Welcome sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naging alok na P1 million bounty ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon para sa pag-neutralize sa mga bandidong Abu Sayyaf.
Ayon kay AFP spokesperson B/Gen. Restituto Padilla na “welcome move” ang nasabing alok at kanilang pinasalamatan ang commander-in-chief ukol dito.
Umaasa ang militar na ang nasabing monetary reward ay lalo pang maghihikayat sa mga informants at mga concerned citizens para tumulong sa mas mabilis na pag-aresto sa mga teroristang Abu Sayyaf na patuloy na naghahasik ng karahasan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ang nasabing reward ay ibibinigay ng laban sa pitong natitirang bandido na kabilang sa mga nakalaban ng militar sa Inagbanga, Bohol.
Nais ng pangulo na dead or alive na ma-neutralize ang mga bandidong Abu Sayyaf.
Ppero mas gugustuhin daw niya na dead ang pag-neutralize sa ASG.
“The offer of the President was a welcomed moved and we thank the commander in chief for this. Hopefully this will encourage informants and otherconcernced citizenbs to help expedite the arrests of these bandits,” mensahe pa ni Gen. Padilla.
Samantala, para naman kay kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, bilang na ang mga araw ng mga ASG na patuloy na tinutugis sa Bohol.
Aniya, ito ay dahil sa pinalakas na law enforcement operations ngayon.
Lalo pa raw lumiliit ang lugar na ginagalawan ng mga bandidong grupo na mga kasamahan ng nasawing ASG sub-leader na si Muammar Askali alias Abu Rami.
Sinabi ni Lorenzana na pursigido ang militar na hulihin ang mga suspeks na nagtungo sa Bohol para sana maghasik ng kidnapping activities.