CENTRAL MINDANAO-Tatlong mga drug dealer ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa magkahiwalay na operasyon sa Bangsamoro Region.
Unang nahuli ng PDEA-BAR sa drug buybust operation sina Saidin Kamsa Campong at Salipudin Usop Campong na mga residente ng Barangay Poblacion 2 Cotabato City.
Nakuha sa mga suspek ang P3.4 milyon na shabu, drug paraphernalia at Suzuki Multicab.
Ayon kay PDEA-BAR Regional Director Juvenal Azurin na nahuli ang mga suspek sa tulong nina Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi at Cotabato City Police Director Colonel Rommel Javier.
Samantala nagsagawa rin ng drug buybust operation ang PDEA-BAR sa Barangay Matalin Malabang Lanao Del Sur at naaresto ang drug dealer na si Romie Diamillah Hadji Alawi.
Narekober sa posisyon ni Alawi ang P6.8 milyon na halaga ng shabu,isang kalibre.45 na pistola, mga bala,magazine at isang Toyota Pick-up kulay puti na may plakang NEN-2109.
Nagpasalamat naman si RD Azurin sa tulong ng pulisya at ni Malabang Mayor Tomas Macapodi sa matagumpay na pagkahuli kay Alawi.
Ang mga suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.