BAGUIO CITY – Binunot at sinunog ng mga otoridad ang mahigit P10.6 milyong halaga nga marijuana plants mula sa sa,pung palantasion na natagpusan sa bayan ng Kibungan lalawigan ng Benguet.
Resulta ito ng tatlong araw na marijuana eradication operation ng pinagsamang pwersa ng PDEA-Cordilera at ng Cordillera PNP na sinimulan noong Hunyo 25 at nagtapos kahapon.
Dito nadiskubre ang 10 plantation ng marijuana na natamnan ng mahigit 37,000 na fully grown marijuana plants at 26.5 kilo ng pinatutuyong dahon ng marijuana na natagpuan naman sa loteng may lawak na 4,150 metro kwadrado.
Una nang natagpuan sa operasion ang apat na plantasion ng marijuana sa Sitio Dalipey, Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet kung saan itinanim ang 25,000 na fully grown marijuana na nagkakahalaga nga P6.8-M.
Nadiskubre naman sa Sitio, Naptong, Brgy. Badeo ang P3.180 million na halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana at P2.450 million na halag ng marijuana plants.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga kinauukulan para sa posibilidad nagpagkakakilanlan at pagkahuli ng mga cultivators.