-- Advertisements --
Ibinunyag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na mayroon ng nakalaan na pondo para sa 2025 national budget ang naipangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pagkakaroon ng health maintenance ng mga manggagawa ng gobyerno.
Ayon sa kalihim na sa sa P6.35 trillion na proposed national budget para sa susunod na taon ay mayroong inilaan na halos P10 bilyon o katumbas ng tig P7,000 kada empleyado sa bawat taon para sa health maintenance organization o HMO.
Hinihintay din nila ang paglabas ng Pangulo ng executive order ukol sa nasabing usapin.
Magugunitang binanggit ng pangulo ang pagbibigay ng pondo para sa HMO benefits ng mga kawani ng gobyerno sa susunod na taon.