Makakatanggap ng P10,000 tulong pinansiyal mula sa gobyerno ang mga kaanak ng mga nasawi dahil sa hagupit ng Bagyong Binta at Urduja.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan P5,000 naman ang ibibigay ng gobyerno para sa mga nasugatan.
Dagdag pa ni Marasigan, bukod sa financial assistance sa mga nasawi makakatanggap din ng cash ang pamilya ng mga ito na nasiraan ng bahay.
Para sa mga bahay na totally damage, bibigyan sila ng P30,000, habang P10,000 naman para sa partially damage.
Ayon kay Marasigan kabilang sa mga kailangang dokumento para makuha ang financial assistance na ito ay ang death certificate para sa mga namatayan, medical certificate para sa mga sugatan at litrato ng bahay para sa mga nasirang tahanan.
Maaring dumulog aniya sa mga lokal na pamahalaan ang mga biktima ng bagyo para sa proseso ng pagkuha ng tulong pinansiyal.