-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na mayroong pabuyang P10 milyon sa sinumang makakapagturo para tuluyang maaresto si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy.

Dagdag pa ng kalihim na mayroon ding tig P1-milyon na pabuya sa tatlong kasamahan ni Quiboloy sa kaso na sina Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada, Jackielyn Roy at Sylvia Cemañes.

Ang nasabing mga indibidwal ay nahaharap sa kasong child abuse, exploitation at qualified trafficking without bail.

Giit ni Abalos na dapat harapin na lamang ni Quiboloy ang kaniyang kaso at huwag na itong magtago sa kamay ng batas.