Siniguro ng Estados Unidos ang tuloy-tuloy ang pagsaklolo nila sa mga nangangailangan ng tulong na mga biktima nang pananalasa ng bagyong Odette.
Ayon kay U.S. Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires (CDA) ad interim Heather Variava, tinitiyak nila ang pagpapaabot ng emergency supplies at recovery assistance.
Sa katunayan nagkakahalaga ng P10 milyon ang inisyal nilang inilaan na kinabibilangan ng mga pagkain at pansamantalang masisilungan sa mga nawalan ng tahanan.
Ang U.S. Agency for International Development (USAID) ay nakipag-ugnayan na rin sa Action Against Hunger upang magpaabot ng relief supplies sa mga residente sa bahagi ng Surigao del Norte at Dinagat Islands.
Sinabi pa ng embahada ng Amerika, tumutulong din sila sa United Nations World Food Program sa pag-transport ng mga supplies lalo na ang mga pagkain para sa 20,000 mga pamilya na tinutulungan naman ng gobyerno ng Pilipinas.
Liban nito, ang USAID ay nakipag-partner sa International Organization for Migration para sa kritikal na pangangailangan o shelter needs ng 3,800 families.
“The United States is providing Php10 million in immediate support, including food and shelter for communities affected by Typhoon Odette,” ani CDA Variava. “We are committed to working alongside our friends and partners to provide emergency supplies and recovery assistance.”