Pumalo sa P10 million ang pabuyang inilabas ngMalacañang para sa ikaaaresto ni dating Police Col. Eduardo Acierto na sinasabing sangkot sa pagkakapuslit ng bilyong halaga ng shabu na isinilid sa magnetic lifter.
Ito ang kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra base raw sa kanyang reliable source sa Palasyo.
Ang pabuya ay inilaan para sa mga makapagtuturo o makapgbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Acierto.
Si Acierto ay isa sa mga kinasuhan ng Department of Justice (DoJ) na sinasabing nasa likod ng pagpasok sa bansa ng mga kontrabandong aabot sa 355 kilo.
Nasabat sa Manila International Container Port (MICP) ang shabu na isinilid sa magnetic lifter noong August 2018.
Ilang araw lang ang lumipas ay narekober naman ang apat pang magnetic lifter na wala nang lama na nadiskubre sa isang warehouse sa General Mariano Alvarez (GMA) sa Cavite.