-- Advertisements --

Nasa P10 milyon na ang pabuya para sa ikadarakip ng lider nang tinaguriang Peralta gun for hire group na nag-o-operate sa northern at Central Luzon.

Una nang nagbigay ng P5 million pabuya ang VACC para sa pag-neutralize sana sa lider ng grupo na si Ricardo Peralta.

Nagtungo sa Kampo Crame si VACC Vice Chairman Arsenio Evangelista partikular sa PNP AKG si Gapan, Nueva Ecija Mayor Eming Pascual para dagdagan pa ng P5 milyon ang pabuya sa pag-aresto kay Peralta.

Ayon kay Mayor Pascual biktima siya at ang kaniyang pamilya ng grupo ni Peralta.

Aniya, dalawa ng kaniyang kapatid ang naging biktima umano ng grupo ni Peralta na napatay noong 2006.

Kaya nais ng alkalde na mahuli ang lider.

VACC Vice Chairman Arsenio Evangelista

Ang grupo ni Peralta ay may koneksiyon sa Ilonggo group partikular ang Bacolod group na pinangungunahan ng Isidro brothers.

Nilinaw naman ni Evangelista na ang nasabing pabuya ay donasyon mula sa iba pang mga concerned individuals.

Sinabi ni PNP AKG director C/Supt. Glen Dumlao na mga politiko ang kliyente ng grupo ni Peralta.

Sinabi pa niya na may natukoy na silang mga politician na umano’y nagkakanlong sa grupo ni Peralta.

Kabilang sa mga naarestong miyembro ng Ricardo Peralta group ay ang mga sumusunod: Reymund Dequina, Jackiloue Isidro, John Laña, Dennis Matias, Mary Ann Mallare Santiago, Morlito isidro, Roberto Sta. Ines, Jigs Santander Isidro, Aldrin Sino, Isidro Jeffrey Gomez, Diavid Isidro, Arnel Villareal, aka Ian, aka Balong/ Ver at isang Ryan Peralta.