-- Advertisements --

Magbibigay ng P100,000 pabuya ang pamahalaang lokal ng Laguna sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng guwardiyang bumaril at pumatay sa isang estudyante sa loob ng eskwelahan sa lungsod ng Calamba.

Halos isang linggo na ang nakalipas matapos ang krimen, inanunsiyo ng Laguna LGU na maglalaan sila ng pabuya.

Kasong murder ang isasampa laban sa suspek na si Renando Valderama, 36-anyos.

Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang manhunt operation laban sa suspek.

Naniniwala naman ang PNP na hindi pa ito nakakalayo.

Bago ang pamamaslang, kinasuhan ng biktima ang suspek ng sexual abuse.

Noong nakaraang linggo, pumasok sa mismong silid-aralan ng Grade 7 na biktima sa Castor Alviar National High School ang suspek at saka binaril.