-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nag-alok na ang pulisya ng P100,000 pabuya sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspect na bumaril-patay sa isang pulis sa Purok 6, Upper Rancho Bangahan, Pangantucan, Bukidnon.

Una rito,tadtad ng bala ang katawan ng biktimang si S/Sgt Rio Tibang, 39, residente sa nasabing lugar matapos barilin ng gun for hire suspect na si Joseph Maulas na taga-Manubiray, Lampanusan, Kalilangan, Bukidnon.

Sinabi ni Bukidnon Police Provincial Office spokesperson Capt. Jiselle Longgakit na nagpapatuloy pa rin ang manhunt operation sa nagtatagong suspect.

Sinasabing personal na galit ang tinitingnang motibo ng mga pulis sa krimen.

Noong Pebrero kasi ay sinampahan ng kasong murder ang suspect.