-- Advertisements --
Joey Salceda
Rep. Joey Salceda

Idinipensa ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda ang P100 million allocation sa mga kongresista sa ilalim ng 2020 proposed P4.1-trillion national budget.

Iginiit ni Salceda hindi ito “pork barrel, illegally parked funds o insertions,” dahil ang mga proyektong paglalaanan nito ay “itemized” sa National Expenditure Program (NEP) pa lamang na isinumite sa Kamara ng executive department.

Nakabase aniya ang mga ito depende sa pangangailangan ng mga constituents ng mga kongresista pero ang Department of Budget and Management (DBM) ang pipili sa mga ito at mag-aapruba sa pondo para rito.

“All projects identified by representatives of congressional districts and party list groups that were included by the Executive Department in the NEP, were deemed necessary based on the complete work plans and feasibility studies that were submitted by district, Provincial or regional authorities of the various department,” ani Salceda.

Ayon pa kay Salceda, ang tanging maaari lamang gawin nilang mga mambabatas ay magmungkahi ng mga proyekto at hindi magagawang amyendahan ang budget sa plenaryo ng Kamara dahil sa inline budgeting system na strikto nilang sinusunod.

Paglilinaw pa nito, ang mga proyekto sa ilalim ng 2020 national budget ay itemized at pinili base sa complete work plans at feasibility studies na isinumite ng mga district, provincial at regional authorities ng iba’t ibang tanggapan.