Pumalo na sa mahigit P100M ang kabuuang halaga ng tulong ang naipaabot ng Department of Social Welfare and Development sa mga naapektuhan ng El Niño sa bansa.
Ayon sa ahensya, ito ay kinabibilangan ng mga food packs para sa mga pamilyang apektado, cash for work at maging mga pagsasanay.
Ito ay sa ilalim ng Project LAWA at BINHI ng DSWD.
Sa isang pahayag, sinabi ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao, ang naturang halaga nv tulong ay napakinabangan ng halos tatlong milyong nga indibidwal na apektado ng naturang weather phenomenon.
Tugon ito ng ahensya para sa kahilingan ng mga lokal na pamahalaan mula sa 13 rehiyon sa bansa na sinalanta ng El Niño.
Siniguro naman ng DSWD na naka standby lang ang kanilang pondo at ito ay nanatiling sapat sakaling kailanganin.
Sa ngayon, aabot sa tatlong bilyon ang kasalukuyang relief resources ng ahensya pati na ang kanilang mga naka standby na pondo.