CEBU CITY – Aabot sa halos P100-milyong halaga ng shabu at iba pang illegal drugs ang nakumpiska ng pulisya sa buong buwan ng Agosto sa buong Central Visayas.
Batay sa datos ng Police Regional Office-7, pinaka-maraming nasabay sa higit 700 operasyon nitong buwan ang shabu, nubain, at marijuana na aabot sa 12.5-kilos o halos P98-milyon ang katumbas na halaga.
Sa lalawigan ng Cebu, ang pulisya mula sa kapitolyo na Cebu City ang nakasabat ng pinakamaraming kontrabando na may halagang P60-milyon.
Sinundan naman ito ng Mandaue City PNP na may P15-milyon worth ng illegal drugs at Provincial Police Office na nakasabat ng P12-milyong illegal drugs.
Kasali rin sa listahan ng may mga nakuhang iligal na droga an pulisya mula sa Negros Oriental, Lapu-Lapu City Police at Siquijor Provincial Police Office.
Ikinatuwa naman ng hepe ng Cebu City PNP ang resulta ng datos.
CEBU CITY – Aabot sa halos P100-milyong halaga ng shabu at iba pang illegal drugs ang nakumpiska ng pulisya sa buong buwan ng Agosto sa Cebu.
Batay sa datos ng Police Regional Office-7, pinaka-maraming nasabay sa higit 700 operasyon nitong buwan ang shabu, nubain, at marijuana na aabot sa 12.5-kilos o halos P98-milyon ang katumbas na halaga.
Sa lalawigan ng Cebu, ang pulisya mula sa kapitolyo na Cebu City ang nakasabat ng pinakamaraming kontrabando na may halagang P60-milyon.
Sinundan naman ito ng Mandaue City PNP na may P15-milyon worth ng illegal drugs at Provincial Police Office na nakasabat ng P12-milyong illegal drugs.
Kasali rin sa listahan ng may mga nakuhang iligal na droga an pulisya mula sa Negros Oriental, Lapu-Lapu City Police at Siquijor Provincial Police Office.
Ikinatuwa naman ng hepe ng Cebu City PNP ang resulta ng datos.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni police Col. Gemma Vinluan na resulta ito ng mahigpit na pagtalima ng pulisya sa kampanya ng pamahalaan kontra illegal drugs.