CEBU – Umabot sa halos P100-million na halaga ng iligal na droga ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 7 kaninang umaga sa isang funeral homes dito sa lungsod ng Cebu.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cebu kay PDEA 7 spokesperson Leah Albiar Alcantara, sinabi nitong nasa 13 kilos ng shabu, 74 kilos ng marijuana at 4 grams ng erphedrine ang sinunog sa pamamagitan ng “incineration”.
Aniya, ito na ang ikawalong “destruction of illegal drugs” sa Central Visayas simula noong 2016.
Paliwanag ni Alcantara na sa loob ng pitong taon, ito pa lang ang pangwalong pagsunog ng mga iligal na droga dahil na basta ang proseso na kinakailangan para maisagawa nila ito.
Naroon sa pagsunog ng mga iligal na droga ang mga representante ng Philippine National Police, media, at iba pang sector, gayundin ang mga chemist na siyang nag-conduct ng field test upang mapatunayan na totoong mga iligal na droga ang isasailalim sa “incineration”.