Naghain ng petisyon ang mga labor groups para sa P100 arawang dagdag sahod para sa mga manggagawa sa Metro Manila sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB).
Ang workers’ organizations ay pinangungunahan ng Kapatiran ng mga Unyon at Samahang Manggagawa.
Sinabi ni Kapatiran chairman Rey Almendras na inihain nila ang petisyon sa ngalan ng mga minimum wage earners sa agricultural at non-agricultural sector gayundin sa retail, trade at manufacturing groups sa National Capital Region (NCR) na binawasan ang suweldo dahil sa tumataas na inflation rate.
Ang petisyon na taasan ang minimum na sahod ay nagmumula sa pangangailangan ng mga empleyado na mabawi ang nawalang halaga ng kanilang mga suweldo, makayanan ang pagtaas ng halaga ng pamumuhay at magkaroon ng marangal na buhay bilang karaniwang manggagawa.
Hiniling ng Kapatiran sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) na magkaroon ng bagong wage order dahil tumaas ang inflation rate mula 2.5 porsiyento noong Oktubre 2021 hanggang 7.7 porsiyento noong Oktubre.
Sinabi ng grupo na ang pang-araw-araw na minimum na sahod na P570 sa Metro Manila ay isinasalin lamang sa P11,400 kada buwan para sa isang manggagawang nagtatrabaho ng limang araw sa isang linggo.
Nauna nang inihayag ng Philippine Statistics Authority, na ang isang household ay nangangailangan ng hindi bababa sa P12,030 bawat buwan upang makaligtas sa poverty threshold.