-- Advertisements --
image 127

Hirit ngayon ng grupo ng mga manggagawa ang P100 taas sa sahod sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin sa bansa.

Hinikayat ng Partido Manggagawa (PM) ang kongreso na bumalangkas ng special legislation na maggagarantiya sa pantay na taas na sahod para sa lahat ng mga rehiyon sa bansa.

Ayon sa grupo, ang halaga ng minimum wage sa Metro Manila ay bumaba ng P88 dahil sa pagtaas ng presyo ng commodities.

Ang panawagan naman ng grupo ay iba pa mula sa kanilang petisyon sa Regional Wage Board sa National Capital Region (NCR) para sa limitadong annual wage increase sa mga empleyado.