-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Magbibigay ng P100,000 na pabuya ang lokal na pamahalaan ng Lambayong Sultan Kudarat sa kawani nitong pinagbabaril patay.

Nakilala ang biktima na si Remesyl Valdez.

Matatandaan na angkas ang biktima sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang mister sa Brgy Poblacion Lambayong ng itoy pagbabarilin ng riding in tandem suspects gamit ang kalibre.45 na pistola.

Nagawang tumakbo ng mag-asawa ngunit may tama na sa likod si Valdez at nahulog sa kanal at doon na tinuluyan ng mga suspek.

Nakaligtas naman ang mister sa pamamaril ng mga salarin dahil asawa lang nito ang target.

Inatasan na ni Lambayong Sultan Kudarat Mayor Ferdinand Agduma ang pulisya na laliman pa ang imbestigasyon sa pamamaslang sa biktima.

Sa ngayon ay may mga person of interest na ang Lambayong PNP sa pamumuno ni Police Captain Herman Luna na posibling may kinalaman sa pamamaslang sa biktima at patuloy nilang iniimbestigahan.