-- Advertisements --

pdeg

Nasa P102-million halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa isang drug suspek sa isinagawang buy bust operation kaninang madaling araw sa Baesa Road, Barangay 161, Caloocan City.

Kinilala ni PNP-DEG director Brig. Gen. Remus Medina ang naarestong drug suspek na si Randy Rafael, 42, residente ng Pasay City.

Nasabat sa suspek ang kilo kilong shabu na nakasilid sa isang Chinese tea bag.

Sinabi ni Medina, nakumpiska ng mga operatiba sa operasyon ang 14 na pirasong Chinese tea bag na naglalaman ng tig-isang kilo.

Ayon naman kay PNP spokesperson Col. Roderick Augustus Alba, ang naarestong suspek ay nagtatrabaho sa isang Chinese personality na nagngangalang alias Lim kilalang illegal drugs distributor sa National Capital Region (NCR).

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap ngayon ng suspek.