Higit sa P105M halaga ng mga agricultural machineries ang ipinamahagi ng DA sa 52 asosasyon ng mga magsasaka sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Nanguna sa pamamahagi nito si Department of Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel.
Ayon sa kalihim, naging matagumpay ang distribusyon nito sa pamamagitan ng tinatawag na Rice Competitiveness Enhancement Fund, Mechanization Program, Coconut Farmers and Industry Development Program, at Shared Processing Facilities.
Aniya, aabot na sa kabuuang 532.5 milyong piso ang halaga ng mga farm machineries ang naihatid sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Ito ay mula ng magsimula ang Rice Competitiveness Enhancement Fund program.
Sinabi rin ng ahensya ngayong taon ay pumalo na sa 78 na mga agri machineries na ipinagkaloob ng DA sa Ilocos Norte. Nagkakahalaga ito ng kabuuang 75.1 milyong piso.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Del Mar Shellcraft Multipurpose Cooperative kay DA Sec. Laurel at kay PBBM dahil sa ipinagkaloob sa kanilang mga bagong makinarya na tiyak na kanilang magagamit sa pagsasaka.