Aabot sa mahigit P106 bilyon pesos ang inilaan ng Department of Budget and Management para sa mahigit 4.4 households na mga mahihirap na Pilipino.
Ito naman ay ipapamahagi sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development sa mga karapat dapat na pamilya.
Ayon kay Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman, abot sa P106.335 bilyon pesos ang inilaan para sa 4ps Program.
Mas malaki naman ito sa inilaang budget noong nakaraang taon na umabot lamang sa P102.610 bilyon pesos.
Ang alokasyon na ito ay sakop ang para sa kalusugan na may P750 bawat buwan at P600 bawat buwan bilang rice subsidy sa 4.4 milyon na pamilya sa bansa.
Sakop rin nito ang subsidiya sa edukasyon, na magkakaiba mula ₱300-₱700 bawat buwan para sa mahigit pitong milyong mag-aaral.
Kung maaalala, binigyang diin ni PBBM sa naging SONA nito na inatasan na niya ang DSWD na siguruhin ang mga karapat dapat lamang na pamilya ang makakapasok sa 4ps program ng pamahalaan.
Nangako rin ang Pangulo na patuloy nilang tututukan ang mga programa para sa mga mahihirap na Pilipino.