Inilabas na ngayong araw ng Department of Budget and Management (DBM) ang P11.5 million para sa One COVID-19 Allowance/Health Emergency Allowance (OCA/HEA) ng mga healthworkers at non-healthcare workers mula sa private at public hospitals.
Sa inisyung Special Allotment Release Order (SARO) saklaw dito ang unfunded OCA/HEA claims ng nasa 1.6 eligible healthcare at non-healthcare workers para sa period na January hanggang June 2022.
Ayon pa sa DBM ang latest release ng pondo ay saklaw ang unfunded portion ng nasa 2,613,331 approved OCA/HEA claims ng Department of Health as of September 5, 2022.
Nasa P18.7 billion ang kabuuang kailangang pondo para sa nasabing mga claims.
Sa naturang halaga, nasa P7.92 billion na ang na-release noong February 14, 2022 kung saan nasa 1 million OCA/HEA claims na ang naibigay.
Inaprubahan din ng Budget department ang paglalabas ng Special Allotment Release Orderna nagkakahalaga ng P1.04 billion para sa special risk allowance (SRA) ng eligible public at private health workers.
Sa kasalukuyan, may kabuuang P11.857 billion halaga ng SRA ang nailabas na ng DBM.
-- Advertisements --