-- Advertisements --

DAVAO CITY – Aprubado na ng Davao City Council ang P11.8 billion budget para sa susunod na taon, kasama na rito ang P10 million na pundo para sa MICE (meetings, incentives, conventions, exhibitions) Conference na isasagawa sa lungsod sa susunod na taon.

Ayon kay Councilor Bernie Al-ag, chair sa Committee on Trade, Commerce and Industry of the City Council, malaki ang maiaambag ng MICECon na isasagawa sa susunod na taon para sa pagbangon ng industriya sa turismo sa lungsod.

Dagdag pa ng konsehal, na sa nasabing budget, P700 million ang pundo na ilalagak para sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO) upang maseguro ang kalinisan sa lungsod: P800 million naman sa City Health Office (CHO); at P3 billion para sa mga programa sa ilalim ng City Mayor’s Office (CMO). Samantala nasa 20 percent sa annual development fund o P2 billion ang pundo para sa mga proyekto at imprastraktura sa lungsod.