-- Advertisements --

Tinatayang nasa P11 milyon halaga ng smuggled na bigas ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy kagabi sa Davao del Norte.

Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Navy ang nasa 5,000 sako ng hinihinalang smuggled na bigas na umaabot sa 250,000 kilos.

Sa report na natanggap ng Bombo Radyo mula sa pamunuan ng Naval Forces Eastern Mindanao na nagsagawa ng Joint Counter Action bandang alas-10:50 kagabi kung saan namataan ang isang motorbanca ang M/L Sunlight na may dalang mga kontrabando na may limang nautical miles silangan ng ISland Garden City of Samal.

Napag-alaman na ibibiyahe ang bigas mula Zamboanga City patungo sa isang pribadong
pantalan sa Maco, Compostella Valley.

Ayon kay Capt. Jose Ma Ambrosio Espeleta, deputy commander ng Naval Forces-Eastern Mindanao, nasabat ng Task Force Seahawk ang M/L Sunlight na may dalang mga kontrabando.

Wala din naipakitang mgadokumento ang crew ng M/L Sunlight.

Ayon naman sa kapitan ng M/L Sunlight na nakilalang si Ahndun Amil na idedeliver sana nila ang mga nasabing kargamento sa isang Johak Sahid.

Ibinunyag din ni Amil na ito na ang pangalawang beses na nag deliver sila ng bigas sa Maco.

Kasulukuyang iniimbestigahan na ng National Food Authority at Bureau of Customs kung saang bansa galing ang bigas.