-- Advertisements --

Naglaan ng P110 milyon na pondo ang pamahalaan para sa emergency employment at livelihood assistance sa halos 20,000 indibidwal na naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Ito ang iniulat ng Deparment of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma magtutulungan ang Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education And Skills Development Authority (TESDA), at Department of Tourism (DOT) katuwang din ang provincial government para sa agarang pagpoproseso ng mga kinakailangan sa programa matapos ang pagpirma sa kasunduan.

Pangunahing sakop nito ay ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program na ilulunsad sa buong probinsya habang ang TESDA naman ay magbibigay rin ng mga skill training at NC II courses programs.

“While DOLE provides temporary aid to disadvantaged or displaced workers under the TUPAD Program, the department still strives to bring more sustainable and inclusive assistance to the affected individuals and families,” pahayag ni Sec. Laguesma.