-- Advertisements --

DAVAO CITY – Aabot sa sobra P111,000 na shabu ang nakumpiska ng Task Force Davao kasama ang Davao City Police Office mula sa isang driver ng motorsiklo.

Kinilala ng otoridad ang suspek na si Mr. Arnel Alad-ad, 25 anyos, residente ng Bugkaon Lantapan, Bukidnon.

Naharangan ang suspek habang papasok na sana ito sa Lasang-Bunawan checkpoint sa lungosd ng Davao.

Sa pagrekisa, nakumpiska ang iba pang pitong plastic sachet ng shabu na may bigat na 6.98 grams at halagang aabot sa ₱ 111,680.00.

Sa kabilang banda, pinaalalahanan naman ni Task Force Davao Commander Col. Darren E. Comia ang lahat ng tropa ng TF Davao na nakadestino sa mga checkpoint sa borders ng lungsod na mahigpit na i-check ang lahat na mga idibidwal papasok at palabas ng lusod upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng Dabawenyo at ng mga bisita ng Davao.