Nakatakdang ipamahagi ng Bureau of FIsheries and Aquatic Resources ang nasa 117,864,000 na halaga n emergency at relief assistance sa mga apektado ng oil spill dahil sa lumubog na MT Princes Empress sa Oriental Mindoro noong Pebrero.
Ayon sa ahensiya, P12Million dito ay sa pamamagitan ng fuel assisstance na ibibigay sa mga mangingisda sa buong Region 4B.
P4.4Million ay nakalaan sa mga post-harvest training ng mga mangingisda at kooperatiba ng mga mangingisda, habang P1.5Million ay ibibigay bilang food assistance sa 5,000 mangingisda sa buong rehiyon.
Sa kasalukuyan, isinasapinal na rin ng ahensya ang iba pang ibibigay na tulong katulad ng mga banka, feeds, fingerlings, at mga fish cages.
Nagdeploy na rin ang BFAR ng mga monitoring and surveillance vessels nito sa mga apektadong lugar para matiyak na maayos ang kalagayan ng mga mangingisda na pinayagan nang makapangisda sa mga lugar na unang apektado ng oil spill.
Batay sa pinakahuling monitoring ng BFAR, maaari nang makapangisdang muli ang mga mangingisda sa ibat ibang bahagi ng region 4B , maliban sa bayan ng Pola, Oriental Mindoro na siyang pinaka-apektado sa lahat ng LGU.
Sa ngayon, tinatayang mahigit P300Million na halaga ng livelihood ng mga mangingisda ang nawala dahil sa nasabing insidente