-- Advertisements --

Aabot sa P12.4 milyon na kabuuang bonuses ang ipapamigay ng Philippine Olympic Committee sa mga nagwagi sa Southeast Asian Games sa Cambodia.

Ang nasabing halaga ay paghahatian ng mga 58 gold medalists, 85 silver medalists at 117 na bronze medalists.

Sa nasabing bonus ay P7.2 milyon dito ay mula kay Manuel V. Pangilinan Sports Foundation (MVPSF) habang ang P5.2-M ay mula pondo ng POC.

Sinabi ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na mararapat na mabigyan ng insentibo ang lahat ng mga nagwagi sa nasabing torneo.

Sa ilalim ng POC incentive program na mayroong P100,000 ang matatanggap ng mga individual gold medalist, P50,000 sa mga doubles at relay teams habang P30,000 sa team gold medalist.

Mayroon namang P50,000 sa mga silver medalist, P30,000 sa mga doubles at P20,000 sa mga relay.

Mayroon namang P30,000 ang matatanggap ng individual bronze medalist at P10,000 naman sa doubles and relay.

Ang nasabing bonuses ay bukod pa sa incentives na ibinibigay ng gobyerno sa pamamagitan ng Philippine Sports Commissioin sa ilalim ng Republic Act 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.

Sa nasabing batas na ang mga gold medalist sa SEA Games ay makakatanggap ng P300,000, mayroong P150,000 naman ang mga silver medalists at P60,000 naman ang mga bronze medalists.