TOKYO – Labis ang pasasalamat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panibagong commitment ng Japan na $25 o P12.5 billion para sa development ng Mindanao road network, vocational training at iba pang proyekto.
Sa kanilang joint statement, sinabi ni Pangulong Duterte na pinasalamatan din nito si Prime Minister Abe Shinzo sa patuloy na suporta ng kanyang gobyerno sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao para sa pag-unlad ng rehiyon.
“I am grateful for Japan’s fresh commitment of around 25 billion yen for the development of Mindanao’s road network, vocational training facilities and equipment, and other projects,” ani Pangulong Duterte.
“I thanked Prime Minister Abe for the importance his government attaches to the Mindanao and its commitment to achieve just and lasting peace and a sustainable development for the people of Mindanao.”
Kasabay nito, natalakay din umano ng dalawang lider ang kahalagahan ng isang matatag at maunlad na buong Asia region.
Dito pinag-usapan daw nila ni Prime Minister Abe ang mga kinakaharap na hamon sa rehiyon gaya sa regional maritime security, non-traditional threats, peace process sa Korean Peninsula at pagkamit ng malayang kalakalan at pagsulong ng rule of law.
“Our region must be able to maintain its gains so that we can achieve the promise of an Asian century. We discussed challenges to regional maritime security, non-traditional threats, ongoing efforts to secure peace in the Korean Peninsula, and supporting free trade, and advancing the rule of law,” dagdag ni Pangulong Duterte.