CAGAYAN DE ORO CITY – Nasamsam ng pulisya alinsunod sa pinaigiting na anti-smuggling campaign ng national government ang klase-klaseng sigarilyo sa magkaibang mga operasyon sa pangunahing mga lugar sa Northern Mindanao region.
Sa panayam ng Bombo Radyo,sinabi ni Police Regional Office 10 spokesperson Police Major Joann Navarro na nasa 12 milyong piso na halaga ng mga sigarilyo ang nakompiska ng kanilang lower units mula sa random road checkpoints ng Bukidnon,Iligan City,syudad ng Cagayan de Oro at Lanao del Norte.
Inihayag ni Navarro na nasa 16 na indibidwal na aktuwal nagpupuslit ng smuggled cigarettes ang pormal na nasamphan ng kaukulang kaso batay sa paglabag ng Customs Modernization and Tariff Act of 2016.
Kasalukuyang naka-kustodiya ang mga kontrabando sa isang ligtas na lugar na pinamahaalan ng Bureau of Customs -Cagayan de Oro.
Magugunitang kadalasan sa mga nabawi na mga sigarilyo ay walang katulad na local brand na madalas makikita sa mga merkado kaya impresyon ng mga otoridad ay nagmula ito sa backdoor o dumaan sa bahagi ng Zamboanga Peninsula bago tuluyan makapasok sa Northern Mindanao region nitong taon.