CEBU – Tinatayang nasa P12,000,000 ang pinsala sa sunog na tumopok ng apat na istraktura sa Ma. Christina St., Capitol Site, lungsod ng Cebu.
Unang tinupok ng apoy ang isang bunk house na pagmamay-ari ng isang Eric Ong. Umabot pa sa second alarm ang sunog at mag-aalas onse na kaninang umaga tuluyang naapula ang apoy.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cebu City, nasa tatlong establisiyemento ang totally burned samantalang isa ang partially burned.
Wala namang nasawi sa insidente ngunit nasa apat na indibidwal ang nasugatan at nakaranas ng hirap sa paghinga kabilang na si SFO2 Romeo Birao na nahirapang huminga at nakaranas ng muscle weakness.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng BFP-Cebu City sa dahilan ng pagsiklab ng apoy.