Tinatayang aabot sa kabuuang ₱120 bilyon ang kakailanganin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) upang mabantayan ang lahat ng aktibidad ng mga bulkan sa Pilipinas.
Ito ay bahagi ng isang multi-year modernization program ng naturang ahensya.
Sa isinagawang pagdinig sa senado na pinangunahan ng Senate Committee on Science and Technology, inihayag ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol na sa kasalukuyan, 10 lamang sa 24 na aktibong bulkan sa bansa ang namomonitor ng kanilang ahensya .
Ayon kay Bacolcol, dalawa lamang sa mga ito ang mayroong complete monitoring system at ito ay ang Taal Volcano sa Batangas at Mayon Volcano sa Albay.
Aniya, ang mga kagamitan pa lamang ay nagkakahalaga na ng aabot sa limang bilyong piso.
Upang ma monitor rin ng maayos ay kailangan na mag hire ng ahensya ng mas maraming tauhan.