-- Advertisements --

Maagang pamasko ang dumating sa buhay ng kaisa isang mananaya mula sa lalawigan ng Pangasinan matapos na manalo ng P125 million sa jackpot prize ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

pcso super lotto

Inanunsiyo nitong araw ng PCSO na ang maswerteng mananaya ay nagmula umano sa San Carlos City, Pangasinan makaraang makuha ang jackpot prize sa Super Lotto 6/49 kahapon na may kumbinasyon na mga numero na, 05-03-10-17-43-49.

Umaabot sa mahigit P125.6 million ang ibubulsa ng naturang nag-iisang lotto bettor.