-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Aabot sa 4,500 rubber seedlings ang ipinamahagi ng Office of the Provincial Agriculturist sa walong farmer beneficiaries na nagmula sa mga barangays ng Kisante, Biangan at Saguing sa Makilala at Barangay Onica sa Kidapawan City.

Ayon kay Vladimir Eusala, rubber focal person ng probinsya,ang mga benepisaryo ay dumaan sa orientation, proper handling management at establishment ng rubber plantation.

Labis ang kasiyahan at pasasalamat ang ipinaabot ng mga tumanggap dahil maliban sa libre pang ibinigay ay inihatid pa sa kanilang mga farm areas ang mga ito.