Mayroong P13.1 billion na inilaang pondo ang gobyerno para sa pagbibigay ng ayuda sa 10.7 milyon na residente ng National Capital Region (NCR) na maapektuhan ng dalawang linggong lockdown simula Agosto 6.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, manggagaling ang pondo sa mga savings ng mga ahensiya ng gobyerno at mga departments.
Dagdag pa nito na mula sa ilalim ng General Appropirations Act (GAA) ng 2020 ang nasabing pondo.
Nakasaad aniya ito sa pinirmahang Administrative Order 41 ni Pangulong Rodrigo Duterte noon pang taong 2020.
Mayroong 10.7 milyon sa kabuuang 14.1 milyon na populasyon ng NCR ang makakatanggap ng tig-P1,000 kada tao o hanggang P4,000 sa kada pamilya ang ibabahagi ng gobyerno sa dalawang linggong ECQ.
Umaasa ang MalacaƱang na walang magiging aberya sa pamamahagi ng nasabing pondo.