-- Advertisements --

BAGUIO CITY–Sa kulungan ang bagsak ng apat na kalalakihan matapos mahuli ng mga awtoridad sa pagdadala umano ng isang daaan at labingdalawang 112 kilo ng mga brick na marijuana na nagkakahalaga ng P13.4 milyon sa Barangay Bantay Tabuk City.

Nakilala ang mga ito na sina Augusto Formales Galicia, 37-anyos, driver tubo nga Peñafrancia, Magamit City, Antipolo; si Eduardo Libao Patiga, 36-anyos, truck helper tubo ng East Rembo, Makati City; Wenceslao Formales Galicia, 24-anyos, driver mula sa Francia Antipolo City at si Benedick Esperito Camia, 22-anyos, helper at tubo nga Anabo, Imus, Cavite.

Ayon kay Tabuk City Police chief Police Col. Radino Belly, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Intelligence Unit tungkol sa mga suspek na umano’y magdadala ng marijuana sa lalawigan ng Kalinga.

Agad itong nirespondehan ng pinagsamang puwersa nga kapulisan at ng operatiba na nagresulta naman sa pagkahuli ng mga suspek sa isinagawang checkpoint sa naturang lugar.

Nakasakay ang mga nahuling indibidwal sa balck Inova na may plakang NGF 59-92 .

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, aabot naman sa P2.64-M halaga ng marijuana ang nasira sa magkahiwalay na eradication operations ng mga awotridad sa Bakun at Kibungan, Benguet.

Unang sinira ang 6,400 malalaking marijuana plants na nagkakahalagang P1.28-M mula sa communal forest ng Kinmayad, Kayapa, Bakun.

Nasunog din ang 800 na piraso ng marijuana plant sa isang pampublikong lote sa Tacadang, Kibungan habang nadiskubre ang sampung kilo ng dried marijuana plant P1.2-M sa parehong lugar Tacadang, Kibungan.

Samantala, walang nahuling marijuana cultivator sa mga nasabing operasyon ng mga kinauukulan.