-- Advertisements --

Aabot sa mahigit Php1.4 million na halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat ng mga otoridad sa bahagi ng Brooke’s Point sa Palawan noong Mayo 1, 2024.

Ito ay sa pinagsanib-puwersang operasyon na ikinasal ng mga tauhan ng iba’t-ibang unit ng Philippine Coast Guard, Philippine National Police, Bureau of Customs, at Bureau of Internal Revenue.

Ayon sa Coast Guard District Palawan, isinagawa ang naturang operasyon sa limang crucial areas at pitong residential warehouses sa Barangay Saraza at Barangay Maasin na nagresulta sa pagkakasabat ng mga otoridad sa nasa 448 master cases ng iba’t-ibang mga brand ng smuggled na sigarilyo kung saan mayroon ding isang suspek ang naaresto kaugnay sa kasong ito.

Samantala, kasunod nito ay agad naman na ini-turn over sa tanggapan ng Bureau of Customs sub-Port Puerto Princesa, Palawan ang naturang mga kontrabando para sa kaukulang proper disposition, habang nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol dito.