-- Advertisements --

parcel1

Nasabat ng mga mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ang nasa P13.6 million halaga ng iligal na droga sa pamamagitan ng mail parcel.


Kinilala ni PNP Chief PGen. Debold Sinas ang naarestong suspek na si Jayson Quijoy, 37-years old, residente ng Bago Bantay, Quezon City.

Nahuli ang suspek sa may bahagi ng Pantaleon St., Brgy. Guyong, Sta. Maria, Bulacan habang dini-deliver nito ang iligal na droga.

Ayon kay Sinas, modus na ng mga sindikato na gamitin ang mga parcel service para makabenta ng iligal na droga.

“The PNP is coping with the growing sophistication of organized crime particularly syndicates that use every means possible to peddle drugs. We are ready for them,” the Chief PNP stressed.

parcel2

Ayon naman kay PDEG Director, Police Brigadier General Ronald Lee, si Quijoy ang consignee ng parcel na ipinadala ng Glus SDN BHD of 18G Jalan SG 3/2 Taman SRI Gombak 68100 Batu Caves, Selangor, Malaysia na una ng hinarang ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.

Ang naturang parcel ay idiniklarang “steamboat with grill” na naglalaman ng 2,003 grams ng hinihinalaang Methamphetamine Hydrochloride or Shabu na may street value na P13.6M.

Ang nasabing parcel ay personal na tinanggap ni Quijoy sa ibinigay nitong address sa Sta. Maria, Bulacan.

Agad naman siyang inaresto ng mga operatiba matapos tanggapin ang parcel sa courier service.