CENTRAL MINDANAO – Naaresto ng mga otoridad ang tatlong drug dealers sa probinsya ng Sulu.
Nakilala ang mga suspek na sina Ilahan Yahya, 48, at kanyang dalawang kasamang mga babae na sina Murida Ahajan, at si Elwina Unaid, 24, mga residente ng Indanan, Sulu.
Ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR) na naglunsad sila ng drug buybust operation sa bayan ng Indanan katuwang ang Indanan Municipal Police at 4th Marine Brigade ng Philippine Navy.
Nang iabot na ng mga suspek ang shabu sa asset ng PDEA-BAR ay doon na sila hinuli.
Narekober sa mga suspek ang P13.6 milyong halaga ng shabu at buybust money.
Nahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.