-- Advertisements --
PDEA9 shabu zamboanga
PDEA and PNP Reg. 9 confiscated P13.6-M worth of shabu from 5 suspects in Zamboanga City (photo from PDEA-9)

ZAMBOANGA CITY – Umabot sa dalawang kilos ng hinihinalang ashabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office-IX katuwang ang Zamboanga City Police Station-11 sa inilunsad na operasyon harap ng isang fast food chain sa may San Jose Gusu, siyudad ng Zamboanga.

Sa nakalap na impormasyon ng Star FM Zamboanga, tinatayang umaabot sa halagang P13.6 million ang nasabing shabu.

Kinilala naman ang mga naaresto ang limang suspect na sina Jumdatol Mohamod, 51 taong gulang, resident ng Jolo, Sulu; Yacub Alih, 39,isang driver, residente ng Pasay, San Roque, Zamboanga City; Pae Kamsa, 39, residente ng Busay, San Roque, Zamboanga City; Warid Palahudin, 62, residente ng Panamao, Sulu; at Julim Salapuddin, 29, residente ng Jolo, Sulu.

Nakumpiska rin ng mga otoridad ang dalawang paper bags, isang itim na plastic bag na nakabalot sa packaging tape, 32 bundles ng boodle money na pinatungan ng tig-P1,000, limang cellphones at isang public utility jeepney na nagsilbing transportasyon ng mga suspect.

Sa ngayon ay nahaharap ang mga suspect sa ihahaing kaso ng mga otoridad tulad nang paglabag sa Section 26 in relation to Section 5, Article II of Republic Act No. 9165 o ang batas sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.