CENTRAL MINDANAO – Lima katao na sangkot sa illegal drug trade ang nahuli ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-BARMM) dakong alas 4:30 ng hapon sa probinsya ng Lanao del Sur.
Nakilala ang mga suspek na sina Charly Calis Talib, Radal Jadin Naming, Aljun Saribon, Albasir Igo Bakundo at Michael Embor Gamuranao, pawang mga residente ng Brgy Bago Ingud, Malabang, Lanao del Sur.
Ayon kay PDEA-BARMM regional director Juvinal Azurin, naglunsad sila ng drug buy bust operation sa Brgy Bago Ingud sa bayan ng Malabang katuwang ang mga tauhan ng PDEA 4A Cavite, MBLT-5, Malabang MPS at 2nd PMFC LDS PPO.
Nang iabot na ng mga suspek ang shabu sa asset ng PDEA-BARMM ay doon na sila hinuli.
Nasamsam ng mga otoridad ang dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 million, nasa P1.5 million buybust money, apat na cellphones, mga IDs, dalawang pitaka, isang kulay itim na shoulder bag, isang motorsiklo, mga personal na kagamitan, drug paraphernalia at iba pa.
Sinabi ni Dir. Azurin, ang mga suspek ay sangkot large scale illegal drug trade sa Lanao del Sur at Marawi City.
Sa ngayon ay pinaigting pa ng PDEA-BARMM ang kampanya laban sa pinagbabawal na droga sa Bangsamoro region.