Nagresulta sa isinagawang mga operasyon ng mga awtoridad kontra sa ilegal na droga ang pagkakasabat ng tinatayang P13.7 bilyong halaga ng mga ipinagbabawal na droga at pagkakaaresto ng 28,804 indibidwal sa unang 6 na buwan ng 2024.
Ito ang iniulat ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos mula sa isinagawang mahigit 23,000 operasyon kontra illegal drugs mula Enero 1 hanggang Hunyo 21.
Kabilang sa mga nakumpiskang ilegal na droga ay 1,779 kilo ng shabu, 4.95 million tanim na marijuana, 3.6 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana, 26,620 gramo ng cocaine at 4,177 gramo ng ecstasy.
Ilan sa mga top performing units ng PNP sa pagsugpo sa ilegal na droga ay ang Police Regional Office 4A, PNP Drug Enforcement Group at Police Regional Office 7.