-- Advertisements --

USDEA4

Nagbigay ng nasa P13 million halaga ng mga makabagong kagamitan ang United States Drug Enforcement Agency (USDEA) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Layon nito para mapaigting pa ang airport interdiction and investigation capabilities ng ahensiya.

Isinagawa ang turn-over ceremony kaninang sa PDEA National Headquarters sa Quezon City na dinaluhan ng ilang mga matataas na opisyal ng US sa pangunguna ni Mr. Christopher J. Adduci, Country Attache, USDEA at Brett Blackshaw, Political Counselor, US Department of State.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, malaking tulong sa kanilang kampanya ang mga nasabing kagamitan lalo na sa transnational drug trafficking Investigations sa mga airport.

Ang mga donasyong kagamitan ay ang mga sumusunod:
•Three (3) Rigaku handheld drug analyzers
•Two (2) N2200 handheld narcotics detectors
•Two (2) Viken HBI-120 handheld X-ray imagers
•One (1) B & W TEK tactic ID-1064 handheld Raman spectrometer
•One (1) Heuresis handheld X-ray unit

USDEA

Todo pasasalamat naman si Villanueva sa USDEA at a US International Narcotics and Law Enforcement Affairs Bureau sa kanilang walang tigil na pagsuporta sa PDEA lalo na sa training and capability building.

Kinumpirma rin ni Villanueva na hindi lang ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng donasyon ang US DEA sa PDEA.