DAVAO CITY – Hindi na nagawang makapag-deliver ng mga pakete ng iligal na droga sa kanyang mga costumer ang 24-anyos na lalaki matapos itong mahuli sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad pasado alas siyete kagabi kung saan nasa higit P13 milyon ang halaga nito.
Isinagawa ang joint buy bust operation ng otoridad sa Purol Gemini, Maharlika Street Lasang sa lungsod kung saan nahuli ang suspek na nakilalang si Jaber Mangotara Saranggani, residente ng Purok 6, San Francisco Pida, Panabo, Davao del Norte.
Ayon kay Maj. Noel Villahermosa, hepe ng Bunawan Police station, narekober mula sa posisyon nito ang mga iba’t ibang pakete ng jumbo size ng iligal na droga na may bigat na 850 grams at may street value na P13,600,000.
Kabilang din sa nakuha ng otoridad ang cellphone, buy bust money na P1,000 at motor na ginamit ng suspek sa kanyang transaksiyon.
Matagal na umanong minamanmanan ng otoridad ang galaw ng suspek bago isinagawa ang operasyon sa paghuli nito.
Nakakulong na ngayon ang suspetsado ang nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.