BACOLOD CITY – Mahigit sa P13 million na halaga ng suspected shabu ang narekober ng mga otoridad sa isinagawang buy bust operation sa lungsod ng Dumaguete, Negros Oriental.
Una rito, dakong alas-5:10 kahapon ng hapon nang ini-operate nang pinagsanib na pwersa ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO), Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek na si Jake Lester Esquilona, 22, ng Sitio Kabulakan, Brgy. Poblacion, Sibulan, sa Purok Makugihon, Brgy. Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental.
Narekober sa posisyon nito ang isang malaking heat sealed transparent plastic sachet ng suspected shabu, motorsiklo, cellphone at ang marked money.
Tinatayang aabot sa 2 kilograms ang suspected drugs na narekober sa suspek at may Dangerous Drugs Board (DDB) value na P13.6 million.
Nakakulong na ngayon si Esquilona at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.