-- Advertisements --

Aabot sa P134 milyon halaga ng droga ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na anti-drug operation sa lungsod ng Las Piñas at Parañaque.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Moises Joshua Esguerra, January Berroya at Rolando Sanchez.

Nakuha kay Esguerra sa ginawang pagsalakay ng mga operatiba ng PDEA sa Las Piñas ang 18 kilos ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P121.6 milyon.

Nakuha naman kina Berroya at Sanchez ang dalawang kilo ng hinihinalang shabu sa buy bust operations ng isinagawa ng PDEA sa isang parking lot ng mall sa Parañaque City.

Inihahanda na ng mga otoridad ang kaso laban sa mga naarestong suspek.